Sige. Salamat.
Hi anon. :) Thank you sa advice. Pero pano mo na sabi na hindi niya ko sineseryoso. Gusto ko lang malaman hehe. :) Wala sa isip ko magpakamatay para sa isang lalaki so dont worry :))) Thank you again for the advice! :)
Hala…. Why anon? Sorry kung sino ka man.. Hindi naman ako nakakalimot eh. Syempre iniisip ko parin yung mga kaibigan ko..
I’m back. Kamusta na nga ba ko? Ngayon, feeling ko sobrang blessed ako. Sobrang saya ko na nasshare ko yung talent ko sa iba sa pamamagitan ng pagsserve sa org ko. Masaya ako sa pamilya na binigay sakin. Sa parents ko na sobrang supportive at sa mga kapatid ko na andyan lang lagi. Masaya ko sa mga kaibigan ko sa school lalong lalo na sa org. Masaya ako sa mga bagong kaibigan. Pero sa kabila ng lahat ng yan, isa lang yung gumugulo sakin. Okay na lahat, pero may problema. May isang mali. Siya, mali siya para sakin. Sa camp sobrang dami kong narealize. Ang dami ko palang kasalanan. Ang dami ko palang maling ginawa. Pero di ko alam kung pano itatama. Oo, may options. Isa na dun yung itigil ko na lahat ng mali kong ginagawa. Kaso may pumipigil sakin. Yun yung memories at mismong siya. Parang hindi ko ata kakayanin na wala siya. Nasanay na akong kasama siya sa daily routine ko. Nasanay akong kausap siya palagi. Parang hindi ko maimagine yung isang buong araw na wala siya. Pero pano yan, eh mali nga? Tsaka hindi rin yun yung problema. Sobrang dami na din niyang maling ginawa sakin, na tingin ko hindi ko naman deserve. Minsan nga iniisip ko ung worth it ba lahat. Worth it ba lahat ng sakit, effort, luha, oras.. Kinausap ko yung bestfriend ko. Sabi ko, “ano na bang dapat kong gawin? Di ko na talaga alam.” Sabi niya “Alam mo kung ako ikaw, matagal ko nang tinigil yan. Ako nga hindi ko kinaya yung tatlo ikaw pa kaya?” Sabi ko lang “Hindi pa naman ako sirang sira eh.” Sabi naman niya “Hindi ka pa ba sirang sira sa lagay na yan? Wala na nga kong nakikitang spark sa ngiti mo eh.” Sagot ko lang “Hindi pa siguro sagad.” At sabi niya “Sasagarin mo pa? Mas lalo ka lang mahihirapan.” Haaayy. Tama siya. Sigurado pagkatapos ng hiwalayan sobrang mahihirapan ako. Babalik lahat ng memories na siguradong iiyakan ko. Mahihirapan akong buoin ulit yung sarili ko. Di ko talaga alam. Pero alam kong malilinawan din ako. Di ko lang alam kung kailan.
Pangit eh kaya ko nga tinatago eh =))
